Make your own free website on Tripod.com
Home | Topics | Multimedia | Presentors | About Us | Shoutout Page

The Student's Notebook of Dagohoy

KAHIRAPAN

Isang suliraning napabayaan na ngayo'y patuloy na gumugupo sa lipunan.

INTRODUCTION
 
Nagagamot na ngayon ng modernong siyensiya ang malulubhang sakit ng tao. Pero ang ordinaryong sakit ng lipunan - ang salot ng kahirapan - hanggang ngayon ay hindi mahanapan ng lunas. Epidemya pa rin ang proporsyon nito sa buong mundo.
 
Naglalakbay na ang tao sa kalawakan. Milyong milya ang iniabante ng sibilisasyon mula nang gumagala pa ang mga sinaunang tao sa kagubatan para sa kanyang pagkain. Pero kung titingnan ang paghihikahos ng mayorya ng populasyon, parang hindi umusad, kahit isang pulgada, ang kalidad ng buhay.
 
Kung kailan walang kaparis ang itinaas ng produksyon ng pagkain, saka milyun-milyon ang namamatay sa gutom at nagkakasakit sa malnutrisyon. Naglalakihan ang mga gusali at mansyon sa lungsod pero walang matirahan ang daan-daang milyon sa mundo. Walang kapantay ang pag-unlad ng industriya at teknolohiya pero tatlong bilyon ang walang sapat at tiyak na trabaho. Iniligtas ang mga hayop sa bingit ng pagkaubos. Pero pinababayaan ang bilyong taong mistulang mga dagang nabubuhay sa mga estero at gusali ng modernong lipunan.
 
Progresong panlipunan. Narito raw ang solusyon, ang pag-asa makaahon sa kahirapan ang populasyon ng daigdig pero hindi pa ba sapat ang isinulong ng progreso para mabuhay nang maginhawa ang lahat?
 
Modernong industriya.. Sa kamay ng mga manggagawa, ang mga makinarya ay instrumento ng pag-unlad. Pero sino ang umuunlad? Hindi ang mga nagpapatakbo ng makina kundi ang mga may-ari ng makina - ang mga kapitalista!
 
Kagila-gilalas ang iniunlad ng makabagong lipunan sa nagdaang mga siglo at dekada. Pero kalunos-lunos pa rin ang paghihikahos sa ating paligid. Nasaan ang suliranin? Bakit sa kabila ng malubhang pagsulong ng produktubidad ng lipunan ay malubha pa rin ang karukhaan? Bakit sa kabila ng sobrang karangyan ng ilan ay terible pa rin ang pagdarahop ng marami?
 
Sa inabot na karunungan ng tao, hindi pa ba natutuklasan ang lunas sa epidemya ng kahirapan? Sa inabot na pag-unlad ng teknolohiya, hindi pa ba nadidiskubre ang paraan para mabuhay ang lahat nang sagana, panatag at may dignidad?
 
Kung ang sanhi ng kahirapan ay isang organismo o mikrobiyo, naka matagal nang naimbento ang gamot sa ganitong epidemya. Ngunit ito ay hindi isang sakit na maaaring silipin sa mikroskopyo o pag-aralan sa laboratoryo. Ito ay hindi isang impeksyon o kalamidad na galing sa kalikasan. Ang kalikasan nga ang nagbibigay sa tao ng mayamang materyal para mapasagana ang kanyang buhay. Ngunit sino ang sumasagana at nagpapasasa sa likas at likhang yaman ng daigdig at lipunan?
 
Sobra-sobra ang yaman na galing sa kalikasan at sa Paggawa. Ang problema, ang yaman na likha ng Paggawa at bunga ng kalikasan ay inaari ng iilan upang alipinin ang nakararaming walang ari-arian. Ito ang "mikrobiyo" ng kahirapan - ang pribadong pagmamay-ari ng mga gamit sa produkto at yaman ng lipunan. Narito ang pinakaugat ng kahirapan sa daigdig.
 
Matagal nang natuklasan at napaunlad ng tao ang solusyon sa kahirapan sa mundo - ang modernong makinarya, ang modernong industriya. Inabot na ng tao ang sapat na karunungan at kaularan mapaginhawa ang buong sangkatauhan.
 
Sa pamamagitan sana ng modernong makinarya't industriya, siyensiya't teknolohiya, ang masaganang materyal ng kalikasan ay malilinang ng Paggawa para sa simplenmg kagamitan ng paggawa ng tao para sa pangngangailangan ng lahat, ito ay nananatiling instrumento ng pagsasamantala ng tao sa kanyang kapwa - ng mga uring nagmamay-ari sa mga uring walang ari-arian. Ito ang kalikasan ng lipunang ating ginagalawan. Ito rin ang kalikasan ng kahirapan ng higit na nakararaming tao sa lipunan.
 
KAHULUGAN:
 
Ang tunay na kahulugan ng kahirapan ay iniaayon sa mga bagay tulad ng laki ng pamilya, kasarian ng ulo ng pamilya, bilang ng mga anak na may gulang na 18 pababa at ang tirahan (sa bukirin o di bukirin). May malaking kinalaman din dito ang laki ng kinikita ng mga nagtatrabaho sa isang pamilya, kung paano sila nakakatanggap ng mga benepisyong nararapat lamang maransan ng isang pangkaraniwang mamamayan at ang kaledad ng kanilang pamumuhay. Halimbawa, ang pangkaraniwang Pilipino ay kumikita ng US$ 750 sa loob ng isang taon noong magumpisa tayong maging isang ganap na malayang bansa, mas mataas sa US$ 50 na kinikita ng isang pangkaraniwang Taiwanese noong sila'y humiwalay sa Tsina matapos ang sumiklab na digmaang-sibil noong 1949. Sa makatuwid ang Pilipinas ang pangalawang pinakamayaman sa buong Asya, ikalawa sa bansang Hapon. Ngunit nakalulunos malaman na ang ating GDP ay umabot lamang ng US$ 4,500 mas maliit kumpara sa US$ 23,400 ng Taiwan ngayon. Masasabing ikaw ay namumuhay higit pa sa itinakdang panukat ng kahirapan kung ika'y kumikita ng hindi tataas ng US$ 500 bawat taon; kung hindi mo nabibili ang mga pangangailangan ng isang pangkaraniwang mamamayan tulad ng Television, Refrigerator at Eletric Fan; hindi mo natutugunan ang lahat ng pangngailangan ng lahat ng miyembro ng iyong pamilya (mga simpleng bagay lamang); kung ika'y hindi naninirahan sa masasabing "maayos" na tirahan at kung ika'y walang permanenteng trabaho.
 
Sa pangkalahatan, ang kahirapan ay isang salita na ang kahulugan ay dumedepende sa taong nakasasaksi nito. Ito'y ang pagpapalagay lamang sa pagkakaiba ng iyong katayuan sa buhay kung kaya't walang permanenteng kahulugan ang kahirapan.
 
KASALUKUYANG KAHIRAPAN SA PILIPINAS:
 
Nabanggit sa isang pagtataya na mahigit 30% ng mga Pilipino ay lugmok na lugmok sa kahirapan. 77% din ng kabuuang GDP ay ipinambabayad din sa mga panlabas na utang kaya hindi makausad-usad ang bansa. Lumalabas din na 11.4% ng mga Pilipino ay walang trabaho kung kaya't ang ganitong bansang napakalakas pagdating sa yamang tao ay nananatiling walang silbi at pakinabang.
 
Ayon din sa isang pagtataya, hindi lahat ng pamilyang Pilipino ay kumakain tatlong beses isang araw o kumakain man, hindi nakatatanggap ng mga tamang sustansiya. Maraming Pilipino ang pinipili na lamang na indahin ang gutom at sa halip na kumain ay idaan na lang ito sa tulog. May mga Pilipino rin naman na kumakain ngunit ayon sa nasabi, kulang ito sa sustansiya gaya ng ginagawa ng ilan - kumakain sila ng noodles bilang tanghalian. Maaaraing mapagtighaw nito ang gutom ngunit di nito nasusustentuhan ang pangngailangan ng katawan. Talagang nakalulungkot isipin na ang dating ikalawang pinakamayaman sa Asya at ang pinakamatandang republika ay ngayo'y dumaranas na ng matinding kahirapan na dinanas din ng mga bansang ngayo'y di hamak hamak na mas maunlad na sa atin.

Enter supporting content here

This website is a subsidiary of The 4 Dagohoy Online Network. All texts, photos and videoclips are all owned by The 4 Dagohoy Online. 2005 All rights reserved The 4 Dagohoy Online. Copyright 2005.